Saturday, May 17, 2008
Nobuta wo Produce
@12:43 PM

Noon ko pa talaga gustong sumulat ng review tungkol sa Nobuta wo Produce na yan. HAHAHA. Ngayon lang ako nagkaroon ng time... lam nyo na, summer classes. Feeling ko tuloy may malaki pa akong utang! Sa xanga ko, may review na nung Hana Kimi Japan at Taiwan. Dun ko sana ilalagay ang review neto pero naisipan kong dito na lang. Pareho lang naman yun. Hehe.
Okay now... Akira, Shuji and Nobuta. WHEW. I miss them. I miss watching dramas. It's because of that
damn summer classes that occupied a
big part of my heart and mind.
biro na nga lang kahit di naman talaga biro.
Wag na lang muna nating pag-usapan yan. NOBUTA WO PRODUCE.
Korni at nakakatawa. Lalo na si Akira (yamapi). Kapag bababa sya sa hagdanan, may pa butterfly-effect pa yung mga braso nya. Para bang lumilipad. Tapos, nalalasing pa sya sa soya milk. HAHA. Nakakatawang isipin.
Si Shuji (Kame) naman, may "
bye-bicycle" nakakasuka na sa kakornihan peroooo sobraaa akong nagandahan sa story. Mejo nakakaiyak, pero di yung tipong draggy talaga. Marami kang matututunan. Ilang beses na nga rin akong pinaiyak neto. Pero worth the tears.

Dapat palang i-treasure ang pagiging teenager. Kailangan maging masaya ka lagi at lahat-lahat na. Pakiramdam ko, kahit sino naman siguro magugustuhan to.
Ang cute pa nung "
Nobuta power enter" ni Nobuta (Horikita Maki). At narealize kong cute nga si Kame. HAHA.
Natawa ako sa ending (kahit di nakakatawa.haha) dahil kay Akira (yamapi).
Dahil dun, nagustuhan ko na din si Yamapi at bigla akong nagresearch tungkol sa kanya at nalaman kong matalik na magkaibigan pala si Yamapi at Ikuta Toma.
Kaya, naisipan kong gumawa ng panibagong responsibilidad bilang huwarang manunulat! TAMA. Gumawa ako ng istoryang binase ko sa Nobuta Wo Produce. Syempre, nasa linya ko parin ang genre ng story. ROMANTIC-COMEDY. At, melodrama narin. haha. Hindi pa ako nakakagawa ng banner kasi di naman ako experto sa paggawa ng ganun. Ang pamagat ay "How To Produce A Prince". Pakiramdam ko nakakaengganyo ang pamagat. (ehem, yun yun eh... nagsisimula na naman akong magbuhat ng sariling bangko). haha. Pakibasa na lang, may oras ka man o wala, basahin mo na. Mag commento ka na rin para mas lalo akong ganahang magsulat.
Napag-usapan na lang din natin ang istoryang yun, alam nyo bang di ko pa yun na UUPDATE? Bibitayin na ako ng readers ko nito. Tinatamad na naman kasi ako eh. Di bale, kaya ko pang magsipag. Responsable ata ako no...ehem...
Di ko muna dadamihan ang post ko patungkol sa bagong istoryang yun, lam nyo na, marami akong gagawin ulit. Eto yung link.
How To Produce A Princecomment naman dyan...

Labels: horikita maki, how to produce a prince, ikuta toma, jdrama, kamenashi, nobuta wo produce, teentalk, yamapi
raindrops are falling like tears, maiyumi.co.nr