Wednesday, May 28, 2008
Tagalog Pocketbooks?
@11:59 AM
When I was still Grade 6, I bought ONE tagalog pocket book out of curiosity. Actually, di ko hilig magbasa. Feeling ko, kahit noong elementary pa ako pinaninindigan ko na ang pagiging visual learner ko. Kaya di ako nagbabasa kung puro words lang ang meron. Mapa love story man yan o Harry Potter--di ko binabasa. Mas nagbabasa pa ako ng mga encyclopedia at manga.
Grade 6. Ewan ko kung anong title nung binili ko. I'm not sure if what BRAND of pocketbook was that too. All I know is that the story is about a guy na inaayawan nung girl sa simula't sapul. Hanggang sa lumaki na sila at nagkitang muli tapos ang lalaki'y isang malaking KAGWAPUHAN na. And then, yadayada... Ganun. Pero, di pa nga ako nakaka 1/4 ng manipis na tagalog pocketbook na yun eh sumuko na ako. NOSEBLEED. Ewan ko talaga kung bakit di ko kayang magbasa ng ganun. Kaya binasa ko na lang ang likod o ending.
Ngayon, binigyan ako ni Babang ng isang pocketbook (pinahiram). Entitled "Addicted to Love" by Sonia Francesca of Precious Hearts Romance (I'm not sure). Nung una, muntik na akong sumuko. NOSEBLEED ulit. Kaya pala B- lang ang 'English 34 : Literature' ko dahil talagang di ko binabasa ang mga kailangan basahin para sa mga exam.
Pero buti na lang at natauhan ako at naisip kong kailangan kong tapusin yung pocketbook na yun bago langawin sa bahay namin kaya tinuloy ko. Nagpupumiglas na naman ang aking kaluluwa nung umabot ako sa Chapter 4. Pero, ewan ko kung bakit pag dating ko ng Chapter 5 eh naiisip kong gusto ko ang writer dahil sa Romantic-Comedy ang istorya kaya tinapos ko to. Isang araw ko tong binasa. HAHA.
Maganda nga naman. Sad to say, maraming nababaduyan. Actually, nababaduyan din ako. Pero when you read it, alam kong magugustuhan nyo iyon. Sabi ni Babang, depende daw sa writer at sa mambabasa. Kung kagaya naming dalawa na weirdo at may pagka-buang, kelangan namin ng ganung klaseng istorya.
Nagustuhan ko ang istorya. Try nyo na lang basahin at baka magustuhan nyo rin.

Labels: PHR, story, Tagalog pocketbooks, writing
raindrops are falling like tears, maiyumi.co.nr